"Mahal kita". Ito ang mga katagang hindi ko pa nasasambitla ni minsan. Hindi sa kung sino lang. Kung magkaminsan oo, inaamin ko, ginagamit ko ito upang aking makamtan ang isang bagay na aking inaasam. "Mahal, sige na naman!" Ngunit ito'y wala sa puso. Walang init. Walang kilig, kumbaga.
Kaya naman aking napagpasyahang alamin ang natatagong misteryo ng mundo ng
Diumano'y tulad ng isang sanggol na hinihele sa duyan ang pakiramdam ng umiibig. Makita mo lamang siya'y langit na. Makausap siya'y katumbas na ng siyam na alapaap sa kalawakan. Ngunit may ilang nakakalimutan ang sarili lalo't nagmamahal. "Mahal ko kasi siya kaya ko yun nagawa". Marami ang nasasaktan dahil hindi masuklian ang pag-ibig na kaya nilang ibigay. Nagiging mistula bato ang puso ng ilan, aangkinin ang katawan at basta na lamang iiwanan.
Ngunit sa aking pamantayan, hangal at wala sa tamang pag-iisip ang mga taong gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Binigyan ka ng Maykapal ng mataas na uri ng pag-iisip upang magamit sa matalinong pagpapasya di upang pagawing manhid yaring sa'yo'ng puso'y nananakit. Ang puso'y walang isip at ginawa lamang upang magpadaloy ng dugo at hangin sa sistema ng ating katawan. Ano'ng kahibangan ang sa mga taong tinamaan ng mistulang sakit na ito ay dumapo?
Mayroon akong nakadaupang palad na isang ale. Disisais pa lamang ay natuto ng magbanat ng buto. Gigising siya bago pumutok ang araw at manginginuha ng kaning baboy upang may ipang-baon sa eskwela. Siya'y sanay sa hirap ng buhay ngunit wala ni isang hinanakit sa mga magulang na bumusog sa kanya ng pangaral at pagmamahal. Nakapag-asawa siya ng isang mabuting lalaki na salat sa magandang kapalaran sa hanapbuhay. Upang matustusan ang kanilang pamumuhay, kumuha siya ng dalawang trabaho, nagiging araw ang gabi; gabi ang araw. Iilang oras lamang ang tulog, gagampanan pa niya ang pagiging ina at asawa.
"Hindi ho ba kayo napagod?"
tanong ko sa kanya.
"Ang lakas ko'y unti-unting nauubos ngunit hindi ang pagmamahal na kalakip nito.."
tugon niya.
Ang aleng ito ay ang aking ina. Di alintana'ng paniningil na gagawin sa kanya ng panahon, siya ay nawalan ng isang paningin at nanganganib na mawalan na ng tuluyan kung hindi maaagapan. Ito ang tunay na pag-ibig na aking matagal ding hinanap at ngayo'y nasumpungan. Di man ito tulad ng pag-ibig .
Nay, mahal kita. Salamat po sa lahat.
Ako naman.
Ang aleng ito ay ang aking ina. Di alintana'ng paniningil na gagawin sa kanya ng panahon, siya ay nawalan ng isang paningin at nanganganib na mawalan na ng tuluyan kung hindi maaagapan. Ito ang tunay na pag-ibig na aking matagal ding hinanap at ngayo'y nasumpungan. Di man ito tulad ng pag-ibig .
Nay, mahal kita. Salamat po sa lahat.
Ako naman.
"Ang pagmamahal ay higit sa salita, ito'y nararamdaman at ipinapadama."
29 comments:
full of love ang post mong ito ate sows.
Mapagpalaya ang pag-ibig
pong, ung totoo... tao ka ba? prng hnd ka na22log eh! :p
ganda ng tema, madamdamin. :-)
Marami pong salamat. Binibini, nakalimutan mong ilink o ipingback ang iyong akda kung kaya't hindi ko na-update ang aking artikulo.
Pakilink po.
Salamat na muli
Nga pala, saan ang iyong lokasyon?
Maraming salamat
:) kelangan nating maging efectivo ang pagmamahal sa gawa, hindi sa salita.
nakakaiyak naman itong post mo... para sa isang inang tulad ko, napakasarap pakinggan na tinatangi ka ng iyong anak....
Haha, sorry! Una, natawa ako. Medyo deep kasi ang mga salitang ginamit mo. Actually, i don't read this long in deep (?) tagalog.
But, you know what, I actually read it. And it's really awesome. It made me teary-eyed. Lagot ka, papaiyakin mo ako. Sumbong kita kay Mom! Haha!
I'm back Ate in the blogosphere!
Kahit sabihin mong hindi ka inlab, mukha kang inlab! Sows! :)
tama! wasak! pabasa mo kaya to sa nanay mo... para payagan ka na niya mag overnyt hehe
hmmm.... i love your mom na..(ang tatapang talaga ng mga nanay noh)
@ate pink, tnx po.hehe.
@jkul, ok n po. tnx din.
@taympers, uy nadalaw xa. apir tau jan.
@jongskie, hehe. salamat mo, Mi.. :wink:
@poot, buti nmn napagtyagaan mo. nako naiyak ang bata... :lol:
@salbe, wlng nakapansin. shhhh..
@shea, hehe. salamat.
Naalala ko bigla ang Nanay ko sa poste mong ito Ate. Napapagod siya, subalit hindi nababawasan ang pag-ibig niya para sa aming pamilya niya.
Naiiyak na tuloy ako. ;(
Ang ganda ng ginamit mong medium teh, "pag-ibig". inlab ka ba?
Ingat at Godbless!
Magandang umaga Sows at sa lahat ng nagagawi dito. Labis po akong nagpapasalamat sa matagumpay na pasiklabang ito. Matagumpay dahil higit sa isa ang nagsilahok.
I love you Sows. Wotwot
@ikawakotayo, inlab nga. hehe. tahan na ate.. :p
@jkul, wla pong anuman, mang kul! heksayted nako sa mgging premyo NILA. hekhek.
iloveu din po jkulisap! :P
Nyahaha. nakanaman! Buwan ng pag-ibig ba ang Hunyo?
@ikawakotayo, hnd po. buwan ng mga kinakasal.
hohoho.
hi sows!
ang ganda naman ng reflection mo ukol sa pag-ibig.minsan kase,yung pag ibig mismo ang nagpapalaya sa isipan natin.minsan naman,hinahayaan nating ikulong tayo at alipinin ng pag-ibig.
mabuti na lang may sapat tayong isip para timbangin ang mga bagay.
naka naman usapang pag-ibig...
siyang tunay! wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina na hindi naghihitay ng anu mang kapalit...
...mahal ka niya di dahil anak ka niya, mahal ka niya dahil ikaw ang buhay niya.
@duking, wla nakong maidagdag pa. salamat po. gustong gusto ko tlg ang mga .gif files ng blog mo. PATUROOOOO!!
@dhyoy, ateeeee! natats ako sa cnbi mo..pa hags nga.. :p
Hi Sows. Pag-ibig.
hi jkul. pg ibig? uo nga eh.
Happy Father's day to your dad.
salamat po. sau din.
:p
"Ang lakas ko'y unti-unting nauubos ngunit hindi ang pagmamahal na kalakip nito.." - Sows
Ayun, hangga't tumitibok ang puso ng isang pagkatao, ang salitang pag-ibig... hindi iyon maglalaho...
Mawala man ang higpit ng yakap ng isangina sa kanyang anak...
Ngunit ang init ng pag-ibig nito... ay hinding hindi mawawala...
Ito ay Entry Number 7.Salamat po
oo hindi na kailangan pa sabihin yung "mahal kita", pero iba pa rin kapag sinasabi mo yun sa taong mahal mo.
good mornyt :D
nice entry.. full of emotions..
kudos!
follow kita... :)
@ravy, sows..
@jkul, wla pong prob..
@simply, action speaks :p
@panjo, tsalamat. tska sa pag follow na rin.
Post a Comment