Life, love, music, rants, and whatever you wanted to call it..
Sunday, June 20, 2010
Pangarap sa Bayan
"Kung walang corrupt, walang mahirap"
Isa 'to sa mga linyang tumatak sa'kin nung campaign period. Pinagdudutdutan ng kandidato na korapsyon ang dahilan ng kahirapan. Kaya nga pumatok din yung sabi ng isang kandidato na,
"Pangarap kong iahon kayo sa kahirapan"
Pero kung iisipin, bakit nga ba may kahirapan? Sabi nila ang mahirap daw ay yung mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses maghapon. Yung ultimo paghanap ng panlaman-tiyan ay isang malaking pagsubok araw-araw.
Tingin ko ang mga nangongorap ay kung hindi dahil takot silang maghirap eh ayaw ng bumalik sa kahirapan. Kahirapan din ang nag-uudyok sa mga magnanakaw, holdaper, budol-budol, at kung anu-ano pang modus operandi na maiisip maipantawid-buhay. May mga tao ring nabubulok sa bilangguan. Dahilan ang kakapusang pampinansyal pambayad ng abogado o dahil nalagyan na ang mga dapat huhukom sa ilang inosenteng bilanggo. Marami ring lumalalang karamdaman o pinapanawan ng buhay dahil walang maipampa-ospital o dili kaya'y pampagamot man lang. Ang mag-aral sa panahong ito ay isa na lamang prebilehiyo at di na isang karapatan. Sa mga pinagpala, eksklusibong paaralan at magagarang pasilidad ang natatamasa. Samantalang sa ilan, ikapitong bundok pa ang tatahakin makaamot man lang ng kaalaman sa mga magkaminsa'y mali-maling aklat-sulatin.
Kahirapan din ang nagbubulid sa mga ama, ina, at maging mga anak na mangibam-bayan. Sinasa isang tabi ang personal na emosyon at mithiin kapalit ng halagang kikitain mo lamang sa kakatrabaho sa sariling bayan na walang inisip kundi ang makalamang sa iba. Ngunit sa lahat ng ito ang tanong ay,
"Ano na ba ang nagawa mo upang solusyunan ang kasalukuyang kinasasadlakan mo?"
"Ipagpapasa Diyos mo na lang ba ang lahat?"
Nasa ikalawang yugto ako ng hayskul ng maranasang magdahop.
"Nay, ayaw pumasok ng kaning 'to eh." sabi ni bunso habang napipilitang kumain ng kaning may asukal.
"Anong gusto mo, milo, 3-in-1 o asin? Marami tayong pagpipilian ngayong dinner with candle light tayo." Nasabi ko na lang at sabay-sabay kaming nagtawanan.
Humiga ako sa papag kinagabihan at sumumpang ito ang una at huling beses na mararanasan ito ng aking pamilya. Sa tulong ng aking tiyahin, nakapagtapos kaming 2 magkapatid at si bunso naman ay malapit na ring magtapos. Kaming dalawa'y may kani-kaniyang permanenteng trabaho na kahit hindi kami nagtatamasa ng karangyaan, mas maalwan ang kasalukuyan naming pamumuhay. Salamat sa determinasyon naming umangat sa pamumuhay at siyempre...salamat kay Bro!
B.B. King - Why I Sing The Blues
***
Entry ko sa pakontes ni Otep para sa kanyang LLM Year Two. Harinawang maging inspirasyon sa lahat ng taong nagdaranas ng kakapusan, pinansyal man o ispiritwal.
Amen. :p
5 days to go till the next cycle of Hall of Fame! hurry, invite your friends now to vote for your blog and get a chance to be one of the "sikat" at BNP's Hall of Fame! :)
Napaka-inspiring. Kung hindi mo naranasan/nasaksikhan ang hindi pagpasok ng kanin sa bunganga ng iyong kapatid, wala itong pampukaw na akda mo ngayon. Para malaman mo ang kahirapan, dapat natutunan mong lumangoy sa dagat ng basura. Wala sa kamay ng iba ang sagot pero maaaring sa kamay din ng iba manggagaling ang tulong.
Paumanhin naman kung hindi ako makadalaw lagi. Nakatutok pa si Kuya Kuli sa kaniyang pasiklaban.
galing din ako sa ganyan.. kaya nagpupursige talaga ako na maiahon ang pamilya ko sa hirap.. di ko inaasam maging mayaman. sakto na sa akin ang makakain kami ng 3 beses sa isang araw at may simpleng bahay at lupa.. super saya na nun..
I don't think most of us have experienced enough in life to fully appreciate everything that was given to us, those that others strive for everyday included.
But I don't think it is right to assume that those who didn't experience that have less knowledge when it comes to poverty, well, living in a third world country.
I don't think education is a privilege, this is something people should work for, considering that we are living in a country that doesn't have enough money (or enough good politicians) to support our education system. Which is wrong. And annoying at times. Because it leads to people giving stupid remarks such as "Walang naitutulong samin ang gobyerno blah blah blah" lalo na kung wala naman talaga silang ginagawa para matulungan sila. Hindi naman lahat ganyan, pero marami. Nakakapagod pakinggan.
@jkul, tamaaaa! uy ok lng po aq man din my mga prior commitments.
@nhix, salamat! tama po yan faith in God lng.
@vajal, well, i dont say that the lesser uv known, the lesser is ur knowledge. in experience, huh yeah. somehow. ur just educated about it. but, have u experienced it?
we dont nid politicians. & saying so just gives me a reason to call u corrupt as well. (peace!) education and poverty? example, mabini. he maybe a paralitic but his eagerness, despite of all the hardships, to improve their lives never fails.
He wrote, "Realizing that you were too poor to meet the expenses of my education, you worked as hard as you could, heedless of sun and rain, until you caught the illness that took you to your grave."
-naks, healthy conversations tau ngaun ah. pweded nmn plang wlang dautan. kalma lng badgeee.. :p
ang galing naranasan ko na rin yan ang mag-ulam ng asukal milo asin na may toyo at mantika ultimo tigpi-pisong chichirya eh inuulam ko eh kaya saludo ako sayo
minsan,paunti unti lang ang pag ahon pero sapat na yun lagi para maging thankful tayo.ang sarap talaga ng pakiramdam kapag after nung pagpupursigi,alam mong mas napabuti mo yung buhay mo at buhay ng mga mahal mo.and then yung mga susunod,anak,pamangkin....sila naman yung tatanggap nung learning experience na natutunan natin.and maybe,darating yung araw,napakalayo na pala nang narating natin mula sa simulang wala naman.
at tama ka sows,hindi na dapat asahan ang mga pulitiko at ang pulitika ng bansa.kung magkaroon man ng pagbabago,salamat sa atin ding mga sarili.dahil siguro,natututo na tayo at nagsasawa nang paglaruan ng mga politiko.
maraming problema ang ating bansa.. dahil tayo mismo hirap sa pagresolba dito.. bakit di natin gayahin ang ibang bansa kung panu sila umahon sa kahirapan pagkatapos ng gera.. tayo ang problema.. tayo din ang gagawa ng solusyon dito.. nde lang sa presedente nakasalalay ang paglago ng ating bansa, kundi sa bawat pilipino na gustong tumayo para tulungan ang ating bansa
14 comments:
5 days to go till the next cycle of Hall of Fame! hurry, invite your friends now to vote for your blog and get a chance to be one of the "sikat" at BNP's Hall of Fame! :)
Napaka-inspiring. Kung hindi mo naranasan/nasaksikhan ang hindi pagpasok ng kanin sa bunganga ng iyong kapatid, wala itong pampukaw na akda mo ngayon.
Para malaman mo ang kahirapan, dapat natutunan mong lumangoy sa dagat ng basura.
Wala sa kamay ng iba ang sagot pero maaaring sa kamay din ng iba manggagaling ang tulong.
Paumanhin naman kung hindi ako makadalaw lagi. Nakatutok pa si Kuya Kuli sa kaniyang pasiklaban.
nakakainspire naman ito..
galing din ako sa ganyan.. kaya nagpupursige talaga ako na maiahon ang pamilya ko sa hirap.. di ko inaasam maging mayaman. sakto na sa akin ang makakain kami ng 3 beses sa isang araw at may simpleng bahay at lupa.. super saya na nun..
di mawawala faith ko kay God na mangyayari yan..
I don't think most of us have experienced enough in life to fully appreciate everything that was given to us, those that others strive for everyday included.
But I don't think it is right to assume that those who didn't experience that have less knowledge when it comes to poverty, well, living in a third world country.
I don't think education is a privilege, this is something people should work for, considering that we are living in a country that doesn't have enough money (or enough good politicians) to support our education system. Which is wrong. And annoying at times. Because it leads to people giving stupid remarks such as "Walang naitutulong samin ang gobyerno blah blah blah" lalo na kung wala naman talaga silang ginagawa para matulungan sila. Hindi naman lahat ganyan, pero marami. Nakakapagod pakinggan.
@jkul, tamaaaa! uy ok lng po aq man din my mga prior commitments.
@nhix, salamat! tama po yan faith in God lng.
@vajal, well, i dont say that the lesser uv known, the lesser is ur knowledge. in experience, huh yeah. somehow. ur just educated about it. but, have u experienced it?
we dont nid politicians. & saying so just gives me a reason to call u corrupt as well. (peace!)
education and poverty? example, mabini. he maybe a paralitic but his eagerness, despite of all the hardships, to improve their lives never fails.
He wrote, "Realizing that you were too poor to meet the expenses of my education, you worked as hard as you could, heedless of sun and rain, until you caught the illness that took you to your grave."
-naks, healthy conversations tau ngaun ah. pweded nmn plang wlang dautan. kalma lng badgeee.. :p
ang galing naranasan ko na rin yan ang mag-ulam ng asukal milo asin na may toyo at mantika ultimo tigpi-pisong chichirya eh inuulam ko eh kaya saludo ako sayo
@don, hnd ko pa na try ang chuchirya iulam. alin bang msarap, doris, kiss o chiz curls?
salamat pla sa pag follow.. :p
i think ang masarap ay kiss especially dipsea lol :P
@don, ayos yan! :p
minsan,paunti unti lang ang pag ahon pero sapat na yun lagi para maging thankful tayo.ang sarap talaga ng pakiramdam kapag after nung pagpupursigi,alam mong mas napabuti mo yung buhay mo at buhay ng mga mahal mo.and then yung mga susunod,anak,pamangkin....sila naman yung tatanggap nung learning experience na natutunan natin.and maybe,darating yung araw,napakalayo na pala nang narating natin mula sa simulang wala naman.
at tama ka sows,hindi na dapat asahan ang mga pulitiko at ang pulitika ng bansa.kung magkaroon man ng pagbabago,salamat sa atin ding mga sarili.dahil siguro,natututo na tayo at nagsasawa nang paglaruan ng mga politiko.
@duking, very well said. Amen. :p
maraming problema ang ating bansa.. dahil tayo mismo hirap sa pagresolba dito.. bakit di natin gayahin ang ibang bansa kung panu sila umahon sa kahirapan pagkatapos ng gera.. tayo ang problema.. tayo din ang gagawa ng solusyon dito.. nde lang sa presedente nakasalalay ang paglago ng ating bansa, kundi sa bawat pilipino na gustong tumayo para tulungan ang ating bansa
hi po! maraming salamat sa pagsali.
paki email na lang po yung detalye kung paano ko po maibibigay sa inyo yung t-shirt
zef_21@yahoo.com
real name:
address:
contact number:
size ng t-shirt:
yun lang po. salamat
-otep
@rubi, ang ganda ng teleserye mo sa gabi. lagi mo kong pinupuyat. LOL. ang puso mo ate.
@otep, uy panalo! SALAMAT! Email kita.. teka...
Post a Comment